Kasabay nang malakas na buhos ng ulan ay ang pagpipigil sa nagbabadyang mga luha na nagnanasang kumawala.
Matapos ang panakaw na
halik ay ibang kaba ang dumapo sa aking dibdib. Ngayon na lamang ako muli
nakadama nang ganito. Tila may paru-paro sa aking tiyan, hindi ko rin naman ito
inaasahan. Makalipas ang eksaktong dalawang taon at anim na buwan, sinelyuhan namin
ang usapan ukol sa kanyang nararamdaman para sa babae na siyang dahilan kung
bakit siya umuwi sa Pilipinas. Matagal na akong may gusto sa kanya, at matapat
ko iyong inamin noon pa mang bago siya umalis sa bansa. Iyon din ang naging
huling patak ng luha ko para sa tinatawag na pag-ibig. Noong una ay umasa ako,
nabigo at itinigil na ang pag-asang maibaling sa akin ang nararamdaman niya
matapos ang nakahihiyang pag-amin bago lumipad ang sinasakyan niyang eroplano,
wala pang isang taon ngayon. Akala ko ay naibaling ko na ng tuluyan ang aking
atensyon at nararamdaman sa isang lalaking naging malapit sa akin, ngunit
nagkamali pala ako. Ngayon ko naunawaan na mahirap pala talagang ipaliwanag ang
salitang pag-ibig. Hindi mo alam kung saan at kailan ka aabutan. Parang may LBM
lang.
Ngunit ayaw ko pa ring umasa, maaari kasing lango lamang siya sa hinanakit at pagkabigong nararamdaman niya kaya niya iyon nagawa. Malinaw pa naman sa aking matinong isipan na kami ay totoo at mabuting magkaibigan. Walang labis at walang kulang.
Ngunit ayaw ko pa ring umasa, maaari kasing lango lamang siya sa hinanakit at pagkabigong nararamdaman niya kaya niya iyon nagawa. Malinaw pa naman sa aking matinong isipan na kami ay totoo at mabuting magkaibigan. Walang labis at walang kulang.
Tapos
na ang itinakdang oras. Nagising kaming muli sa katotohanang hindi kailanman
kami maaaring maging isa. Handa siyang magpakatanga sa babaeng pinaglaanan niya
ng pagod, oras at panahon. Ayaw kong umasa at maghintay ng dalawang taon o
higit pa. Ayaw ko ring biguin ang mga magulang at kapatid ko sa mga pangarap na
binuo ko para sa aming lahat. Liban na lamang, kung magising siya isang araw na
ako na pala ang higit na mahal niya (sana nga). Nagningas muli ang damdaming
matagal kong kinimkim at buong akalang wala na. Nandito na naman ako, nandito
sa mundong puno ng pangamba at pag-aasam na sana isang araw, paggising ko, ako
na. Ako at siya. Siya at Ako. Kaming Dalawa. Mayroong KAMI. At sasabihin namin
ang salitang Tayo.
Para sa iyo ito.
Umasa. Umaasa. Aasa,
AMOR.
Note: Hindi ito bayograpikal. Setyembre 21-22-23, 2013 Sa San Pablo City Laguna.
Natapos sa Boarding House, 1020 2nd Floor, Zobel St. Taft Ave. Along Ayala Boulevard. Ermita Manila.
Natapos sa Boarding House, 1020 2nd Floor, Zobel St. Taft Ave. Along Ayala Boulevard. Ermita Manila.